Posts

Showing posts with the label tagalog

Paano?

Paano mo hahanapin ang taong wla? Paano mo hihintayin ang hindi naman darating? Paano mo masasabing ika'y nasasabik Gayong siya'y hindi mo pa nakikita? Paano mo mamahalin gayong hindi mo pa nasisilayan? Pag-ibig nga ba'y sadyang ganyan? O baka naman ang tao'y sadyang bulag lamang? Akala ay pag-ibig yun pala'y isang pangarap lamang.